Unang araw ng buwan, kabwsitan ang ibinigay sa akin ng RTA at Etisalat.
Yung NOL card ko kasi, sa pagkakaalam ko sa October pa mageexpire. Nung sinabi ko yun sa RTA, sabi nila nag-expire na nung Mayo. Eh ayon sa nabasa ko sa dyaryo, August 2009 binenta ang unang batch ng NOL cards , so paano ako nakakuha ng card nung Mayo ng taong yun di ba? Atsaka ayon sa nabasa ko, kapag nag-expire na yung card, hindi na mare-recharge uli. Pero until early August this year, nakakapag-reload pa ako ng credit sa card ko.
So anyway, halos araw-araw ako nagfo-follow-up sa RTA kung anong status ng pag-investigate nila, pero ang lagi nilang sinasagot ay under investigation pa. Humingi pa sila ng e-mail address, full name, at mobile number ko. Itong mga nakaraang araw, naiinis na ako sa sobrang tagal at walang kwentang reply nila sa pag-follow-up ko kaya sarcastic na yung tono ng mga tanong at sagot ko sa kanila; pinapakita ko sa kanila na talagang naaasar na ako sa bagal ng aksyon nila. Ngayong umaga, binigyan nila ako ng Reference Number at ang sabi sa September 21 pa expected na ma-resolve ang issue na ‘to. Nagbibiro ba sila? O talagang gusto nila mang-inis? August 14 pa lang, alam na nila yung issue na ‘to. Bakit aabot ng mahigit isang buwan ang pag-investigate ng isang simpleng bagay, at kung kailangan lagi ng reference number ang isang case, bakit ngayon lang nila binigay?
Kalokohan!
Ang Etisalat naman, nagpadala ako ng request na i-disconnect ang apat ng company mobile numbers namin nung Miyerkules. Pero after less than a couple of hours, nagreply ako sa original message ko na ‘wag putulin ang linya ng isang numero dahil ginagamit pa. Sumagot sila na hindi nila magagawa yung hiniling ko dahil kailangan ko magbigay ng kopya ng ibang dokumento, na nabigay ko naman at pinaalala ko na ‘wag putulin ang isang linya ‘pag inasikaso nila yung request namin. Kahapon ng hapon, natanggap ko yung RID number at confirmation na pino-process na nila.
Ngayong umaga, may natanggap akong e-mail na na-disconnect na lahat ng numerong sinabi ko, kasama yung sinabi ko na wag putulin. Nung tinanong ko kung bakit, ang sagot nila ay na-raise na yung RID number bago ko yun sinabi. Sana naman sinabi nila yun nung umpisa pa lang di ba para ma-anticipate namin at makagawa kami ng back-up plan.
Nakakainis! Nakakabwisit! Nakakaasar!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Popular Posts
-
Dear Sophie, I know this is a bit late, but I couldn’t let any more time pass to share what happened on your birthday this year. First o...
-
I had an insomnia attack again last night. And just like what usually happens when I can’t sleep, so many jumbled thoughts entered my brain...
-
Right after she had turned 6 years old, Caila was already looking forward to her 7th birthday. She must have enjoyed her Play-doh themed bi...
-
HAPPY 41st UAE NATIONAL DAY! taken inside our office building In a few minutes, I'm off to enjoy a long weekend. Yahooooo! ...
Nice blog,
ReplyDeleteEvery time, I get the really nice information from your blog and it helps me a lot. Thanks for sharing the useful article.
spouse Visa