Lately, dahil halos araw-araw nag-oovertime ang asawa ko sa trabaho, nakikiusap ako sa mga tagamaneho namin sa opisina na ihatid ako sa bahay. Medyo magkalapit naman yung mga tinitirhan namin na area kaya ok lang naman sa kanila; at dahil ako yung nagaayos ng schedule nila, alam ko kung sino ang pwede after office hours. Kahapon, si P yung pinakiusapan ko na maghatid sa akin. Dahil wala pa syang permanent na kotse (kakatapos lang yung kontrata ng lini-lease namin para sa kanya at ginagamit muna nya yung mga kotse ng mga amo namin pag nasa labas sila ng bansa), ginamit nya yung Volvo ng isang amo namin. On the way, ito yung part ng pag-uusap namin (syempre sa wikang Ingles):
P: Nagmamaneho ka pa ba?
Ako: Paminsan-minsan, dun sa lugar namin
Pero ang totoo, nung Marso pa ata ang pinakahuling time na nagmaneho ako
P: Sige, mula sa isang eskwelahan hanggang sa inyo, ikaw ang magmaneho
Ako: Seryoso ka?
Syempre nagulat ako dahil bongga yung kotse at halos bago pa yun, at never pa nya ako nakitang magmaneho
P: Oo. Ako ang magiging pasahero ngayon.
Ako: Sige. Tingnan ko muna kung dala ko yung lisensya ko.
Chi-neck ko, nandun naman sa wallet ko
Ako: Naka-heels pala ako, pano yan?
P: Eh di tanggalin mo at mag-paa ka.
Ako: Sigurado ka ha? Sige!
Kunyari kalmado ako habang palapit kami sa eskwelahan, pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Ang tagal na kasi at syempre, hindi ko kotse yun. Pagdating sa eskwelahan, tinigil nya yung kotse at nagpalit kami ng upuan. Pagkaupo ko, seatbelt kaagad, tapos check ng mga salamin at upuan para matantya kung abot ko yung accelerator at brakes. Syempre hindi. At dahil masyadong hi-tech yung pag-adjust, hindi pala manual ang pag-ayos ng mga yun…de-pindot lahat! Haaay! Dalawang minuto ata ako tumagal sa pag-adjust-adjust lang. Pagkatapos nun, ok na.
Tinanggal ko sa pag-hazard at nag-left signal. Pagtingin ko sa salamin, ang dami-daming palapit na kotse! Waaaahhh!!! Hinintay ko muna na dumaan silang lahat bago ko linabas yung Volvo. Pagdating ko sa kalsada, ok naman. Kalmado naman ako kahit may tumabi sa akin na kotse ng pulis (dumaan lang naman sya). Awa ng Diyos, after mga less than 10 minutes, 2 roundabouts, at ilang liko, nakarating kami sa tapat ng apartment building ko ng matiwasay. Sobrang nakatulong yung pagiging smooth ng kotse…ang sarap i-drive! Feel na feel ko na bongga sya! Hehehe. Pagdating ko apartment, tawag ako kaagad sa asawa ko para ibalita sa kanya. Syempre, madami syang tanong kung pano nangyari yun, kaya mega-kwento ako.
Kaya yun...tuwang-tuwa ako kahapon dahil nakapag-maneho ako ng Volvo S40 Comfort SE. Actually, tiningnan ko lang yung files namin dito sa opisina para malaman ko kung anong klaseng kotse sya at ma-post ko dito. Di lang ako nakapag-pa-picture para masama ko dito. Pero ang mahalaga sa akin, nasubukan ko i-drive ang isang bonggang Volvo! Woohoo!
Sa susunod, yung Pathfinder naman ng GM namin. Hahahaha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Popular Posts
-
Several months ago, I joined the McDonald’s Community which is a forum where people can share their ideas, join discussions, answer surveys...
-
When your child starts going to school, family vacations always need to be planned around the school calendar. Unfortunately though, ...
-
If you follow me on Twitter, you probably know that I was at Sarah Geronimo’s Perfect 10 concert last Monday night…by winning two tickets fr...
-
I wanted to blog about our Canada vacation as soon as I had transferred the pictures from my camera (which I've already done), but then ...
-
I didn’t blog as much as I wanted last week but I have two good reasons. One, because it was our company Year-End party last Friday. And two...
No comments:
Post a Comment