Pages

01 August 2016

The Friendship of Tropang ET

On this day in 2007, the friendship of Tropang ET started.  And since it's our 9th year today, I'm sharing this poem that one of our friends made back in 2008 when it was just a few of us and we had just celebrated our barkadahan's 1st anniversary.

Isang taon na ang lumipas 
Ngunit samahan hindi kumupas 
At mas lalo pa itong nadagdagan 
Ng mga ka-bro @ sis na tambalan 

Nag umpisa ang lahat sa kulitan 
Kung saan pabor ang lahat sa puyatan 
Kahit walang kasiguraduhan 
Kung may pagkain sa hapag kainan 

 Grupo ito ng magkakaibigan 
na hindi tiningnan kung naggaling saan 
basta ang importante sa karamihan 
makilala ang bawat isa ng husto at lubusan 

 Unahin natin ang dati’y magkasintahan 
na ngayon taon lang naganap ang kasalan 
kung saan ang kanilang munting tahanan 
pinagdarausan ng ET-han 

 Bilib tlga ako sa mag asawang ito 
laging bukas ang kanilang pinto 
sa mga tao masaya man o tuliro 
kaya naman pinagpala ng todo todo 

 “MAHAL TEAM” ang sa kanila’y itinatawag 
Simbolo ng kanilang samahang kay tatag 
Kaya naman marami ang gustong tumulad 
Eto at isa isa kong ilalahad 

 “SWEETY TEAM” naman ang ating isunod 
Kung saan mukhang sa dambanay luluhod 
upang ipahiwatig ang kanilang nasasaloob 
na pagmamahal at walang hanggang pagpapasakop 

 Eto naman po ang tambalan di kalian man naligaw 
Kung saan inabot si BRO ng 3 taon panliligaw 
Nalaman ko lamang yan sa isang umpukan 
Kung saan kasama ang “BABY TEAM” na tinuran 

 Ito naman aking isusunod na ilalahad 
Natutuwa ako dahil halos wala ring katulad 
Pagmamahal sa bawat isa umulan man o umaraw 
“SLURPEE at SHAKE” hindi kayang matunaw 

 Akala nyo yata mga Brothers at Sister aking nalimot 
Naku hindi yata pagka’t baka sa’kin ay mayamot 
At pag nakita ako’y makatanggap ng simangot 
Na may kasamang noo at mukhang lukot 

 Meron isang sister na mabilis sa tulugan 
Isa naman brother kay galing sa lutuan 
Ang natitira pang tatlong kalalakihan 
Walang ginawa kundi makinig sa kwentuhan 

 Ngayon taon na ito kay saya pa nilang lalo 
Pagkat may nadagdag na dati nang kahalubilo 
Kung saan sadya nilang pinaupo 
At tinadtad ng mga tanong na nakakapaso 

 Kanilang isinalang unang tambalan 
Sobrang kabado at pakiramdam ay sinisilihan 
Umalagwa ng husto walang humpay na katanungan 
at komento mula sa umpok ng kinauukulan 
Kung inaakala na ito’y kanilang minasama 
dahil na rin sa reaksyon na kanilang nakita 
gusto lamang nilang kayo ay itama 
pagkat mga natutunan kanila nang ginagawa 
(salamat po from “KOI TEAM”) 

 Pangalawang isinalang pwede na rin maging tambalan 
Inaantay na lamang ang takdang kasagutan 
Dahil mukhang wala pang kaliwanagan 
Kung ano talaga ang kahahantungan 

 Di inaasahan ng karamihan 
Pag open-up ng kanyang ka-lovelyfan 
Pagkat sagrado para sa kanya ang usapan 
Ngunit laking pasalamat pagkat kami’y pinagkatiwalaan 

 May isa naman bigla-bigla kung bumanat 
Pero pag kinorner parang di kayang umunat 
Hindi naman siguro dahil sa luto nyang makunat 
Dahil sadya naman itong nakakabundat 

 Akala nyo yata 2 brother aking nalimutan 
Naisip ko lang sila na lang kaya maging tambalan 
Pero para naman di katanggap tanggap sa lipunan 
At kahit sila baka mga sarili’y kainisan 

 Alam naman ng lahat kung ano ang kanilang hangad 
Ang may makasama at sa’tin ay may maibungad 
Pagkat panigurado na pagmamahal ay ilalahad 
Basta tanggapin sila ng walang kahalintulad 

 Mukhang akin naman nadaanan lahat 
Sana nga baka sakin ay may manipat 
Kung magkagayon sana lang ay lumapat 
At sabihin sakin ng buong tapat 

 Alam kong naniniwala ang bawat isa 
Na itong samahan yayabong at yayabong pa 
Pagkat samahan sadya nang nakamarka 
Sa puso at isipan ng bawat isa 

 Kita-kita na lang sa susunod na ET-han 
Na ngayon pa lang lubos nang inaabangan 
Dahil kahit kelan di mauubusan 
Ng kulitan, iyakan, harutan, tawanan at kwentuhan 

 HAPPY 1ST YEAR ANNIVERSARY ET TEAM!!! 
CONGRATULATIONS!!! 
MORE YEARS TO COME!!! 
GOD BLESS US ALL!!! 

Inspired by Tesha a.k.a. Bebi Mikoi 

No comments:

Post a Comment