this made my day!

Meron lang akong gustong i-share, pero dahil tungkol ito sa isang katrabaho kong ibang lahi (at baka mabasa nya ‘to), ita-Tagalog ko na lang. Don't worry, hindi ito tsismis. Pagpasensyahan nyo na lang kung may mga pagkakataon na parang barok o mali ang spelling ng sinusulat ko. Di lang kasi ako sanay eh. Anyway, eto na ang aking kwento...

Meron kasi akong katrabaho na babae, at ibang lahi nga. Although hindi naman kami nag-aaway, alam ko at alam din ng iba naming katrabaho na babae na ang tingin nya sa akin ay kakompetensya o kalaban. Gusto nya akong higitan sa mga naaachieve ko. Magkaiba naman yung ginagawa namin at hindi ko naman sya inaagawan ng responsibilidad o kung ano man, kaya hindi ko alam kung anong dahilan nya kung bakit ganon ang turing nya sa akin. Maayos naman kami kapag magkaharap. Bihira kami magkaroon ng problema. Pag meron, madalas umabot ng buwan sa tagal bago kami magkabati. Madalas, nagke-kwentuhan pa kami dahil sabay kaming nagbuntis at isang linggo ang agwat ng edad ng mga anak namin. Pero pag meron syang dinaramdam o may seryoso syang problema (na hindi naman related sa akin), sa akin lang nya hindi sinasabi.

Sa totoo lang, ilang taon ko na napansin yun sa kanya. Isang halimbawa ng mga nabanggit ko ay nung nakakuha ako ng lisensya sa pagmamaneho. Nung nalaman nya yun, bigla nyang kinwento na kinukulit sya ng asawa nya na mag-aral din at bibilhan sya ng kotse para hindi na sya kailangan mag-commute, kaya lang takot lang sya. Obvious di ba na gusto nya akong higitan? Lately naman, napapansin ko na parang ginagaya nya yung porma ko. Meron kasi akong blouse na may ribbon sa likod. Pagkalipas ng ilang linggo, pumasok sya sa opisina na may suot na blouse na may tali din, pero sa harap naman yung ribbon. Isa pa, ilang buwan na kasi ako nagsusuot ng malapad na sinturon sa ibabaw ng mga blouse ko. Nung nakaraang linggo, nakita ko na may suot na rin syang malapad na sinturon sa ibabaw ng blouse nya! Di ko alam kung nang-aasar sya o gusto nya akong gayahin. Eh hindi naman sya talaga nagsusuot ng mga ganon ever! Madalas, naka-longsleeved polo/blouse at slacks lang sya.

So anyway, kanina sa CR pagkatapos namin mag-tanghalian, nagkwentuhan kaming mga Pinay at nabanggit ko kung ano yung mga napansin ko sa porma ng babae (syempre, wala sya nun). Sumang-ayon naman sila dahil napansin din nila yun, at pareho kaming nagtaka dahil alam nga nila na ayaw nga nya sa akin. Pero laking gulat ko sa sinabi ng isa. Kaninang umaga daw kasi pumunta sya sa CR at nagkataon na nandun din yung babae. Ito yung kanilang pag-uusap (syempre, Tagalog version):
Buntis: Magtatambay muna ako dito.
Babae: Bakit?
Buntis: Inaantok ako eh.
Babae: Eh di titigan mo na lang si Pamela. Magkaharap naman kayo ng mesa di ba?
Buntis: Nyek! Bakit ko naman sya titingnan?
Babae: Bakit hindi? Maganda sya! Magigising ka pag tininingnan mo sya!
Buntis: (iniisip lang) Huh?! Tibo ba ako para titigan ko si Pamela para mawala yung antok ko?

Siniguro ko kay Buntis kung ano yung tono ni Babae; baka kasi nangaasar lang sya or sarcastic yung pagkasabi, pero seryoso daw. Wala sa hitsura nya na nagbibiro. O di vah! Humaba yung hair ko!

Eto pa. Since ako naman daw yung pinag-usapan nila, tinuloy-tuloy daw ni Babae. Ayon kay Buntis, bilib daw si Babae sa akin dahil parang nakakaya-kaya ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Kesyo wala akong credit cards at wala akong loan sa kumpanya o sa bangko, pero nama-manage namin ang finances namin kahit alam nila na marami kaming gastusin; tapos, ok yung samahan namin mag-asawa dahil bihira kami mag-away, etc.

Sa totoo lang, nung kinwento yun ni Buntis sa amin, naisip namin na baka nagkukunyari lang si Babae. Pero napag-isip-isip namin na wala naman dahilan para sabihin nya yun, at hindi naman kami nagkaroon ng problema lately. Hindi rin naman sya magaling umarte. So in short, totoo talaga ang sinabi nya.

Yun lang naman. Nakakatuwa lang kaya blinog ko dito. All along, ang alam ko kakompetensya lang ang turing nya sa akin; yun pala, kahit papaano, maganda din ang tingin nya sa akin.

Comments

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...